Posts tagged “opinyon

Bakit hindi subukan ang DIYOS?

Araw araw tayo ay napapaligiran ng hirap at pasakit na hinaharap sa iba’t ibang porma at hugis. Paghahabol ng deadline, pag-iinat ng pera para makabili ng lumiliit na pandesal. Problemang mag-asawa. Ang tumataas na krimen. Bagyo, baha, lindol. Giyera at tsismis na resulta ng pagkakaroon ng alta presyon, atake sa puso at kahit ang magpakamatay.

Mga solusyon na karamihang ibinibigay sa iyo ng bawat panig. Mga komedya na nagbibigay sa iyo ng isang malutong na halakhak. Mamahaling bakasyon na nagdadala tungo sa malalim na pang-ekonomiyang paglinsad. Mga gamot sa stress na maaaring maging sanhi ng ibang epekto. Paglimot ng problema sa pamamagitan ng pag-inom ng alak na resulta ng hangover.

Matapos mong subukan ang lahat ng remedyong ito at sa iyong pagkadismaya nalaman mong  ang iyong sarili ay nakabaon na sa buhangin pero hindi naman talaga nagbigay ng habang buhay na solusyon sa iyong mga problema –  bakit hindi mo subukan ang Diyos? Sumali sa mga Bible reading, ang pagkanta ng mga religious songs, relasyon sa kapwa mananampalataya at relasyon sa walang hanggan, pagmumuni-muni at panalangin, ang mga ito ay makapagbibigay aliw kaysa sa anumang iba pang remedyong nalalaman natin.

Habang ako ay nagsasaliksik sa internet, may nabasa akong isang panalangin na makapagbibigay ng mapayapa at tahimik na buhay kaysa sa ibang paraan na alam natin. Gusto nyo bang subukan?

“EASE THE POUNDING OF MY HEART BY THE QUIETING OF MY MIND. STEADY MY HURRIED PACE WITH A VISION OF THE ETERNAL REACH OF TIME. GIVE ME, AMID THE CONFUSION OF MY DAY, THE CALMNESS OF THE EVERLASTING HILLS. BREAK THE TENSIONS OF MY NERVES AND MUSCLES WITH THE SOOTHING MUSIC OF THE SINGING STREAMS THAT LIVE IN MY MEMORY. HELP ME TO KNOW THE MAGICAL RESTORING POWER OF SLEEP.

TEACH ME THE ART OF TAKING MINUTE VACATIONS… OF SLOWING DOWN TO LOOK AT A FLOWER, TO CHAT WITH A FRIEND, TO PAT A DOG, TO READ A FEW LINES FROM A GOOD BOOK. REMIND ME EACH DAY OF THE FABLE THAT THE RACE IS NOW ALWAYS TO THE SWIFT; THAT THERE IS MORE TO LIFE THAN MEASURING ITS SPEED.

LET ME LOOK UPWARD INTO THE BRANCHES OF THE TOWERING OAK AND KNOW THAT IT GREW GREAT AND STRONG BECAUSE IT GREW SLOWLY AND WELL. SLOW ME DOWN, LORD, AND INSPIRE ME TO SEND MY ROOTS DEEP INTO THE SOIL OF LIFE’S ENDURING VALUES THAT I MAY GROW TOWARD THE STARS OF MY GREATER DESTINY.”

Kapag kayo ay nakatagpo ng isang mabigat na sitwasyon, bakit hindi subukan ang Diyos sa mga oras na ito?


Kojie

DSC01122Bandang alas singko ng umaga kanina, nagulat ako sa ikinuwento sa akin na ang alaga naming aso ay namatay. Hindi ko akalain na ang inaalagaan at minahal naming aso ay mamatay dahil lamang sa kawalanghiyaan ng mga taong sugapa sa aso.

Si Kojie (pangalan ng aming aso) ay kakaibang klaseng aso. Hindi siya pangkaraniwang aso. Isang aso na bihira lang makikita . Bata palang siya ay nadala na sa hospital dahil sa sakit na akala namin ay wala ng pag-asa. Pero ng iuwi namin si Kojie nadugtungan ang buhay niya dahil sa pagmamahal at kalinga.

Si Kojie na kinaiinggitan dahil masyadong spoiled. Si Kojie na sa tuwing lunes laging may bagong damit. Si Kojie na araw araw pinaliliguan at tinutotbrasan. Si Kojie na katabi  sa pagtulog sa kama. ‘Yan ang buhay ni kojie dahil siya ay special hindi lamang sa pag aalaga kundi special siya dahil masyadong maselan ang katawan at balat.

Si Kojie ang klase ng aso na walang balahibo. Ang tawag nga kanya kalabaw kasi parang kalabaw walang balahibo kita ang balat. Ang tawag talaga sa kanya ay Mexican Hairless. Kaya maselan ang balat nya. Magaling magkasugat at madaling mangati.

Nakakalungkot isipin na wala na si Kojie. Namatay siya dahil sa ipinaing pagkain na may lason kasama ng ina nya. May mga taong likas na walang awa talaga. Kahit na ito ay isang aso lamang… may buhay din ang aso. Nakakaramdam din ng sakit, tuwa at sama ng loob. Kung iisipin, ang aso ang bantay natin sa bahay. Ika nga, “Man’s bestfriend”.  Minsan nga ang aso ang nagliligtas sa buhay natin.

Ang aso ay parte na ng buhay namin. Bata palang ako mahilig na ako sa aso. Kaya kapag nakikita kong merong asong sinasaktan o kinakatay…. nadudurog puso ko. Minsan meron akong nadaanang bahay na may asong nililitson… napamura at napaluha ako sa galit.

Maraming aso na ang nabiktima ng kawalanghiyaan ng mga taong dumale kay Kojie. Hiling ko lang sana makarma ang mga taong gumawa ng kawalanghiyaan sa mga asong walang kalaban-laban.

Kaya ng malaman kong wala na si Kojie parang nawalan din ako ng kapatid o kapamilya. Masakit isipin na ang pinakamamahal mong alaga sa isang iglap lang. Wala ng Kojie na sasalubong sa akin sa tuwing ako ay uuwi. Wala ng Kojie na makikipagharutan sa akin. Wala ng Kojie na makikipag agawan ng pwesto ko sa higaan at makakatabi ko sa pagtulog sa gabi.