Posts tagged “opinion

Masaya…

laughingMantakin mo, ang Pilipinas daw ang pang-LABING-APAT, sa English, 14th sa “Pinakamasayang Lugar sa Mundo”. ANO!?!?!?!

Ito ay ayon sa survey ng isang non-governmental British group. Ha? Nananaginip ba ako?

Sa Pilipinas, tambak ang halos hindi LUMALAMON, tambak ang PULUBI, tambak ang walang TRABAHO, tambak ang mga ADIK, tambak ang mga HOLDAPER, ISNATSER at mga MAGNANAKAW, tambak ang mga ISKUWATER, tambak ang LASENGGO, at tambak ang gumon sa SUGAL at BISYO, pagkatapos sasabihing isa sa PINAKAMASAYANG LUGAR sa mundo?

Wala bang siklat sa kukote ang nag-survey nito?

Kung sabagay, baka totoo nga ang survey ng nasabing grupo. Baka ang napuntahan ng mga ito ay mga VIDEOKE bar na ang nasa loob ay nagsasayawang nangakalantad pati ang mga dapat na ITAGO at ang mga nagsisipanood ay masasayang naghihiyawan at nagpapalakpakang, MASAYA nga!

Baka ang napuntahan ng mga ito ay “ospital ng mga baliw”, na ang mga nasa loob ay NAGHAHAGALPAKAN ng tawa kahit gutom dahil inaapuntahan,

Baka ang napuntahan nila ay mga hubad na nag-iinuman sa mga kanto na dahil mga lasing na ay kantahan na nang kantahan.

Baka ang napuntahan nila ay mga class na subdivision na ang mga nakatira ay mga magnanakaw sa gobyerno, mga ilang empleyado ng Custom, DPWH, BIR, DEPED, at iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

Baka ang napuntahan nila ay KONGRESO, na pinamumugaran ng mga tiwali at makakapal ang hiyang mga Tongressman.

Baka ang napuntahan nila ang lugar ng mga KOTONG PULIS, at ilang mga ahente ng  MMDA, at mga traffic aide? Aba, hindi lang MASAYA… NAPAKASAYA!

Hindi ba para maging Masaya ang isang tao ay dapat  na KUNTENTO? Iyong kahit papaano ay may nilalamon? Iyong kahit papaano ay may natitirhang maayus-ayos, napag-aaral ang mga anak, may trabaho, at kahit paminsan-minsan ay naipapasyal.

Kung ganyan sa Pilipinas ay bakit sandamakmak ang gustong magsilayas para paalila sa ibang bansa, bakit ang daming nagsisipagtiis sa magtrabaho kahit sa mga delikadong lugar lumamon lamang at mapag-aral ang mga anak?

Hindi kaya mga LASING o BINABANGUNGOT ang mga nagsipag-survey rito?

Sa isang banda, talagang MASAYA sa Pilipinas. Mantakin mong kabi-kabila ang putukan ay hindi naman baong taon. Kabi-kabila ang BOMBAHAN ay hindi naman giyera. Saan ka pa hahanap ng MASAYANG lugar kundi ang Pilipinas.

Naalala ko tuloy ang isang kantang Ingles: “DON’T WORRY, BE HAPPY”. Na siya na rin yatang islogan ng mga Pinoy kahit na nagkakahelot-helot na ang buhay.


Paano Maiwasan ang Gumastos sa Panahon Ngayon?

Kung gusto mong yumaman, maraming bagay ang dapat mong isasakripisyo.  Ang pagtitipid ang isang paraan kung ang layunin mo ay yumaman. Heto ang karagdagang kaalaman para maiwasan ang paggastos ng labis upang makapagtabi ng pera.

Shopping

Gumawa ng listahan bago ka magshopping para maiwasan ang bumili ng kung anu-ano. Para makatipid ay mamili ng bultuhan sa department stores o tindahan kung saan ka makakakuha ng mga diskwento.

CBR001225Credit cards

Magbayad ng cash hangga’t maaari. Kung credit card ang iyong gagamitin, mas lalong madadagdagan ang gastos mo dahil sa interes. Ang paggamit ng credit card ay karagdagan lamang sa iyong magiging utang. Mas praktikal ang paggamit ng  cash at wala ka pang iisiping bayarin.

credit-cards-lineupDamit

Iwasan ang bumili ng damit na “branded” dahil matataas ang presyo nito. Ang bagong damit at ukay-ukay ay pareho lang na damit. Ang pinagkaiba nila ay ang halaga. Nasa tamang pagpili lamang ito sa kung  paano mo dalhin at babagay ang isang kasuotan sa ‘yo. Piliin din ang sapatos, bags, at iba pang accessories na angkop  sa iyong kasuotan. Sa ganitong paraan ay hindi mo na kailangan pang bumili ng isa pang pares ng sapatos para lang ibagay sa iba mo pang damit. Abangan ding magsale ang isang department store upang makakatipid ka.

clothesKumain sa Labas

Ang sariling luto ay higit na matipid kaysa kumain sa restaurant, at makakasiguro ka pang malinis at ligtas. Magbaon sa trabaho sa halip na  kumain sa fastfood. Kung kakain sa labas, mag-order na lang ng tubig na may kasamang kalamansi kaysa bumili ng soft drink, mura na iwas sakit pa kaugnay ng mga kemikal na nasa softdrink.

fastfoodPagbibigay regalo

Ang pagbibigay regalo ang isa sa mga pinakamagastos lalo na kung bibili ka ng gahol sa oras. Kung magbibigay ka ng regalo para sa kaarawan, o iba pang okasyon, bumili ka kung saan may sale kahit ang okasyon ay matagal pa. O di kaya kung ikaw ay may oras at may kakayanang gumawa ng personalize na regalo, mas maganda dahil pinaghirapan mo ang isang bagay. Sa ganitong paraan makakatipid ka na at maipapakita mo pa ang artistic side mo.

42-18155403

Kung masusunod mo ang mga nakasaad sa taas, may posibilidad na ikaw ay makapagtabi ng pera na maaring magamit sa panahon ng kagipitan at isang paraan din para ikaw ay yumaman. Pagtitipid lang ang kailangan!