Ang Unang SONA ni PNoy

Lahat tayo ay nasaksihan ang unang SONA ni P-Noy. Sa panimulang salita ni P-Noy, narinig natin ang kanyang pag-uulat tungkol sa nagdaang administrasyon at kalagayan ng ating bansa. Inilahad niya ang mga problema na iniwan ng dating Pangulong Arroyo. Na sa tingin ko ay tama naman na ilahad niya ang dapat malaman ng taong bayan.

Bagamat hindi malinaw ang kanyang programa, naiintindihan ko kung bakit. Mahirap mangako lalo na kung sa tingin mo ay mahirap matupad. Lalo na sa panahon ngayon na puro problema at kakulangan sa pundo ang kinakaharap ni PNoy. Naalala ko ang sinabi niya noong Hunyo 30 sa kanyang inagurasyon, na sa kanya ngayon ang kalbaryo. Totoo naman, sinong president ang hindi sasakit ang ulo kung ganito kalaki ang problemang ibinilin sa kanya?

Tayong mga Pilipino ay matagal ng naghahangad ng maganda at matinong mamamahala ng ating bansa. May punto si Pnoy sa pagsasabing, magtulungan tayo para sa ikakaunlad ng ating bansa. Hindi lamang siya ang kikilos kundi tayong mga pinoy.

Sa kanyang State of the Nation Address, wala mang pangakong binitawan, umaasa ako na sana magkaroon ng solusyon ang mga problema. Magkaisa sana tayong mga Pilipino sa pagtulong sa pagpapabuti ng ating mahal na bayan. Hangad ko rin ang kapayapaan sa Mindanao at katarungan sa mga taong hindi nabigyan ng hustisya.

Bilang isang pinoy, ako ay magbabantay, makikibahagi at makikilahok. Sana kayo rin!

14 responses

  1. diwa81

    ang problema naman, wala rin siyang inilatag na mga solusyon. dito nakulangan ang maraming tagamasid. dapat naman talaga na hindi mangako lang nang mangako, pero iba rin ang naglalatag ng kongkretong programa para malinaw ang magiging direksyon ng gubyerno.

    Hulyo 27, 2010 bandang 6:19 umaga

  2. Bilang isang pinoy, ako ay magbabantay, makikibahagi at makikilahok. Sana kayo rin!

    >>>>> kasama mo ako

    Hulyo 27, 2010 bandang 10:59 umaga

    • wew

      wew

      Hulyo 29, 2010 bandang 10:28 umaga

  3. angelo

    sna mag karoon ng kapayapan sa bansa ntin at mgandng pamumuhay !!!!!
    magkaisa ang lht!!!!!!

    Hulyo 29, 2010 bandang 3:47 hapon

  4. Hangad ko ang isang mapayapang bansa at makabagong pamamalakad sa ilalim ng kanyang pamumuno🙂

    Hulyo 30, 2010 bandang 9:37 umaga

  5. ako bilang kabataan, mag aaral ako ng mabuti para pagdating ng araw ay makutolng ako sa bansang pilipinas
    at least dun nakatulong na ako kasi hindi na ako dadagdag pa sa problea ng bayan
    at sa paraang iyon ay makikiisa rin ako

    Hulyo 30, 2010 bandang 10:21 umaga

  6. nawa’y maging mapayapa ang pamamahala ni ginoong P-Noy!!!

    Agosto 9, 2010 bandang 10:40 umaga

  7. sana’y maging tapat at mapaunlad ni pnoy ang bansa,,goodluck & godbless..

    Hunyo 30, 2011 bandang 9:37 umaga

  8. sana wag knang magasawa dhil sagabal lamng yan sa pamumuno mo sa ating bansa , mapaunlad mo sana ang ekonomiya ng bansa at matulungan lahat ng mga mahihirap.

    Hunyo 30, 2011 bandang 9:40 umaga

  9. anu ung maikli na sinabi ni p-noy??
    kasi pang reaksyon page ehh

    Hulyo 4, 2011 bandang 1:31 hapon

  10. tamahh!yan dapat!!! tayo mag tulungan hindi dapat maging tamad sa mga ganitong problema at dapat rin wag maging bungol bungol!_ kailan susugod?susugod ba tayo kapag katapusan na ng mundo?pag kikilos tayo ano ba dapat gawin natin?cge be BRAVE

    Hulyo 21, 2011 bandang 12:20 hapon

  11. cj

    WOW NA TOUCH AKO SA SINABI MO PNOY AT SANA HINDI KA NA MAG BAGO

    Hulyo 25, 2011 bandang 9:37 umaga

  12. cj

    NAPAKA BAIT MO PNOY WAG KA NA MAG BAGO
    YOUR ALWAYS THE PRESIDENT OF MINE HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

    Hulyo 25, 2011 bandang 9:41 umaga

  13. dapat lahaT tauuu aii naG 22longan…!! tHat’s aLL

    Hulyo 25, 2011 bandang 2:09 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s