Ang Fiesta ng Calbayog

Taon-taon ang fiesta ng Calbayog City ay laging bongga kung magcelebrate. Hindi lang isang araw kundi isang linggong meron activities na mapapanood.

Sa taong ito….. nagkaroon ng malaking selebrasyon ang calbayog dahil sa bagong bukas na Gymnasium. Ang pinakamalaking Gym sa isla ng Samar.

gym2_ctr

Simula Setyembre uno hanggang otso…. gabi-gabi may mapapanood ka.

Ang Hadang Festival (Sarakiki) ay isang paraan ng pagsasayaw na ang kilos ay parang isang manok. Ito ay street dancing. Naging entry at nanalo ang Sarakiki sa Aliwan Festival. Ang hadang ay isang ritual dance na nag aalay ay isang pamahiin.

3_Noel

Isa sa mga naging atraksyon sa Hadang Festival ay ang konsyerto ni Noel Cabangon na ginanap noong Setyembre 3. Si Noel ay nakilala sa mga kanta nya tulad ng KANLUNGAN at TATSULOK. Sinundan naman ito kinabukasan ng gabi ng isang beauty pageant. Eto ay MS. ANYAG (beauty).

4_Ladine

Setyembre 5 naman ay si Ladine Roxas ang nagbigay saya sa mga Calbayognon. Syempre hindi pahuhuli ang local artists. Nagbigay saya din sila maliban kay Ladine.

5_MMYMP

Setyembre 6 naman ay pinamunuan ng MYMP (make your momma proud). Syempre MYMP sila…. punong-puno ang gymnasium. Meron pa ngang hindi nakapasok. Pero dahil ang capacity ng gym ay hindi naman masyadong malaki para iaccomodate ang mga tao…. nagtyaga na lang ang iba sa labas sa pakikinig.  Dahil nag-enjoy ang lahat… napakanta pa ng isa si Joris.

Ang pinakahuling araw (septyembre 7) ay puro mga artista ang naglaro ng basketball. Sa kasamaang palad hindi nakapanood ang inyong lingkod dahil sa sobrang busy na sa bahay sa pag-aasikaso. Ayon sa kwento ng mga nakakita… nag enjoy daw sila dahil puro patawa daw ang isang artista.

3 responses

  1. whaaaa…miss ko na ang mga piyesta sa nayon….ako nagkakakasya na lamang sa panonood sa you tube….
    …ito ang napala ko sa pangingibang bansa…..walang piyesta…

    Setyembre 20, 2009 bandang 3:20 hapon

  2. iba xempre ang nasa sarili kang bayan….. simple ang buhay pero masaya di ba.

    Pagnakauwi ka ng pinas sulitin mo na lang…;))

    Setyembre 21, 2009 bandang 2:56 hapon

  3. aubu22

    wow, tagaSamar po kau? Kami po, sa Tacloban. Last June ung fiesta dun.🙂 Wala lang, papansin lang:)

    Oktubre 1, 2009 bandang 6:18 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s