Masaya…

laughingMantakin mo, ang Pilipinas daw ang pang-LABING-APAT, sa English, 14th sa “Pinakamasayang Lugar sa Mundo”. ANO!?!?!?!

Ito ay ayon sa survey ng isang non-governmental British group. Ha? Nananaginip ba ako?

Sa Pilipinas, tambak ang halos hindi LUMALAMON, tambak ang PULUBI, tambak ang walang TRABAHO, tambak ang mga ADIK, tambak ang mga HOLDAPER, ISNATSER at mga MAGNANAKAW, tambak ang mga ISKUWATER, tambak ang LASENGGO, at tambak ang gumon sa SUGAL at BISYO, pagkatapos sasabihing isa sa PINAKAMASAYANG LUGAR sa mundo?

Wala bang siklat sa kukote ang nag-survey nito?

Kung sabagay, baka totoo nga ang survey ng nasabing grupo. Baka ang napuntahan ng mga ito ay mga VIDEOKE bar na ang nasa loob ay nagsasayawang nangakalantad pati ang mga dapat na ITAGO at ang mga nagsisipanood ay masasayang naghihiyawan at nagpapalakpakang, MASAYA nga!

Baka ang napuntahan ng mga ito ay “ospital ng mga baliw”, na ang mga nasa loob ay NAGHAHAGALPAKAN ng tawa kahit gutom dahil inaapuntahan,

Baka ang napuntahan nila ay mga hubad na nag-iinuman sa mga kanto na dahil mga lasing na ay kantahan na nang kantahan.

Baka ang napuntahan nila ay mga class na subdivision na ang mga nakatira ay mga magnanakaw sa gobyerno, mga ilang empleyado ng Custom, DPWH, BIR, DEPED, at iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

Baka ang napuntahan nila ay KONGRESO, na pinamumugaran ng mga tiwali at makakapal ang hiyang mga Tongressman.

Baka ang napuntahan nila ang lugar ng mga KOTONG PULIS, at ilang mga ahente ng  MMDA, at mga traffic aide? Aba, hindi lang MASAYA… NAPAKASAYA!

Hindi ba para maging Masaya ang isang tao ay dapat  na KUNTENTO? Iyong kahit papaano ay may nilalamon? Iyong kahit papaano ay may natitirhang maayus-ayos, napag-aaral ang mga anak, may trabaho, at kahit paminsan-minsan ay naipapasyal.

Kung ganyan sa Pilipinas ay bakit sandamakmak ang gustong magsilayas para paalila sa ibang bansa, bakit ang daming nagsisipagtiis sa magtrabaho kahit sa mga delikadong lugar lumamon lamang at mapag-aral ang mga anak?

Hindi kaya mga LASING o BINABANGUNGOT ang mga nagsipag-survey rito?

Sa isang banda, talagang MASAYA sa Pilipinas. Mantakin mong kabi-kabila ang putukan ay hindi naman baong taon. Kabi-kabila ang BOMBAHAN ay hindi naman giyera. Saan ka pa hahanap ng MASAYANG lugar kundi ang Pilipinas.

Naalala ko tuloy ang isang kantang Ingles: “DON’T WORRY, BE HAPPY”. Na siya na rin yatang islogan ng mga Pinoy kahit na nagkakahelot-helot na ang buhay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s