Mga dapat malaman tungkol sa A(H1N1) virus

Ang Swine Flu ay itinuturing na highly contagious acute respiratory disease ay kadalasang natatagpuan sa mga baboy. Kumakalat ito sa pamamagitan ng mali­liit na particles sa pamamagitan ng hangin o direct contact. Ayon sa WHO, kaya nitong i-infect ang malaking populasyon ng mga baboy kung saan namamatay ang isa hanggang apat na porsyento ng mga apektado. Hindi rin nakikitaan ng sintomas ang lahat ng mga hayop na infected ng swine flu.

Pagkakaroon ng lagnat na umaabot sa mahigit 38 degrees, sipon, ubo, sakit ng ulo, pananakit ng kasu-kasuan, pagsusuka at diarrhea.

Clinical examination ng secretions mula sa ilong, bibig at swab sample sa lalamunan sa unang 24 hanggang 72 oras matapos makita ang mga sintomas. Pag-aaralan din ang blood samples upang malaman kung mayroong influenza virus.

Sa mga kumprimadong kaso, binibigyan ang pas­yente ng flu drugs na Seltamivir o Zanamivir sa ilalim ng matinding medical supervision.

Nagbabala ang mga health officials laban sa side effects at hindi tamang paggamit nito, maaari lamang umanong gamitin ang nasabing antiviral drugs kapag kumpirmadong infected ng swine flu virus ang pasyente. Sa ngayon ay mayroon umano nitong milyong doses bagamat nagbabala ang local media na maaaring magkaubusan.

Magsuot ng mask kung makikipag-usap sa mga taong may sakit. Iwasan na makipagbeso-beso, maki­pagkamay, makipaghalikan at makipag-yakapan. Hindi rin dapat magsalo sa mga personal na gamit gayundin sa pagkain, baso at iba pang utensils. Makakabuti kung may bentilasyon ang tahanan at malinis ang mga gamit at maayos ang pagluluto ng pagkain, lalo na ng baboy.

Kung nais nating lumakas ang ating depensa sa mga matitinding sakit na kumakalat, kailangang maging malusog at handa ang ating immune system para labanan ang mga pathogens na makakalusot sa mga pang-ibabaw nating proteksyon:

1. Kumain ng masustansyang mga pagkain lalo na yung may Vitamin C.  Mas maigi kung sasabayan ito ng Vitamin C supplement.  ayon sa mga pag-aaral, hindi lamang pinalalakas ng Vitamin C ang immune system, ito raw ay antiviral rin.

Masustansyang_pagkain

2. Uminom ng green tea. May taglay raw kasing polyphenols ang green tea.  Ito ay may antiviral effect raw  na mabisang panlaban sa influenza.

green_tea

3. Gumamit ng turmeric (luyang dilaw)  bilang pampalasa sa pagkain.  Ang turmeric ay may curcumin na anti viral at anti oxidant din.

turmeric

4. Siguraduhing may taglay na Vitamin E  ang inyong pagkain o di kaya’y uminom ng Vitamin E supplement.  May pag-aaral na tumutukoy sa Vitamin E para pahinain ang viral activity sa sandali ng impeksyon at maibsan ang epekto ng flu sa isang may sakit. Ang mga pagkaing tulad ng whole grains,  berdeng dahon ng gulay, sardinas, egg yolk at mga buto ay mayaman sa Vitamin E.

vitamine-e

5.  Magdagdag ng whey protein sa inyong diet.  Ito ay upang masigurong mas marami tayong mga protinang pangdepensa sa impeksyon at mas tumaas ang glutathione levels sa ating dugo.  Ang glutathione ay tumutulong na palakasin ang ating immune system.

whey_Full

Wala pang natutuklasang bakuna laban sa Influenza A H1N1, ngunit sa tulong ng ating immune sytem at mga pamamaraang nabanggit, maaari naman magkaroon ng natural at likas na panlaban ang ating katawan.

7 responses

  1. maganda ang pagkakalarawan ninyo tungkol sa swine flu

    marami itong naitulong sa kin

    nawa’y mas marami ang inyong matulungan

    maraming salamat!!

    Hunyo 20, 2009 bandang 10:15 umaga

  2. Maraming salamat din sa pagbisita at pagtugon mo sa blog ko. Masubaybayan mo pa sana itong blog ko sa mga darating pang mga araw.

    Pagpalain ka nawa ng Diyos!

    Hunyo 20, 2009 bandang 3:48 hapon

  3. humahataw ang bikoy a nasa pang 9th ka sa top post kundi mo pa alam hehe then ititwitter kita ha maging follower din kita ne.

    Hunyo 21, 2009 bandang 12:37 hapon

  4. mic

    maraming salamat d2. . . . .

    Hunyo 28, 2009 bandang 10:57 umaga

  5. jj

    mganda ang pagbibigay saysay ng tungkol sa swine flu
    at mganda ang pagkakalarawan nito..
    eun lng..

    Hunyo 30, 2009 bandang 4:12 hapon

  6. NENE TULOK

    PANGET

    Hulyo 1, 2009 bandang 10:17 umaga

  7. The best information i have found exactly here. Keep going Thank you

    Hulyo 15, 2009 bandang 5:57 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s