Archive for Hunyo, 2009

Paano Maiwasan ang Gumastos sa Panahon Ngayon?

Kung gusto mong yumaman, maraming bagay ang dapat mong isasakripisyo.  Ang pagtitipid ang isang paraan kung ang layunin mo ay yumaman. Heto ang karagdagang kaalaman para maiwasan ang paggastos ng labis upang makapagtabi ng pera.

Shopping

Gumawa ng listahan bago ka magshopping para maiwasan ang bumili ng kung anu-ano. Para makatipid ay mamili ng bultuhan sa department stores o tindahan kung saan ka makakakuha ng mga diskwento.

CBR001225Credit cards

Magbayad ng cash hangga’t maaari. Kung credit card ang iyong gagamitin, mas lalong madadagdagan ang gastos mo dahil sa interes. Ang paggamit ng credit card ay karagdagan lamang sa iyong magiging utang. Mas praktikal ang paggamit ng  cash at wala ka pang iisiping bayarin.

credit-cards-lineupDamit

Iwasan ang bumili ng damit na “branded” dahil matataas ang presyo nito. Ang bagong damit at ukay-ukay ay pareho lang na damit. Ang pinagkaiba nila ay ang halaga. Nasa tamang pagpili lamang ito sa kung  paano mo dalhin at babagay ang isang kasuotan sa ‘yo. Piliin din ang sapatos, bags, at iba pang accessories na angkop  sa iyong kasuotan. Sa ganitong paraan ay hindi mo na kailangan pang bumili ng isa pang pares ng sapatos para lang ibagay sa iba mo pang damit. Abangan ding magsale ang isang department store upang makakatipid ka.

clothesKumain sa Labas

Ang sariling luto ay higit na matipid kaysa kumain sa restaurant, at makakasiguro ka pang malinis at ligtas. Magbaon sa trabaho sa halip na  kumain sa fastfood. Kung kakain sa labas, mag-order na lang ng tubig na may kasamang kalamansi kaysa bumili ng soft drink, mura na iwas sakit pa kaugnay ng mga kemikal na nasa softdrink.

fastfoodPagbibigay regalo

Ang pagbibigay regalo ang isa sa mga pinakamagastos lalo na kung bibili ka ng gahol sa oras. Kung magbibigay ka ng regalo para sa kaarawan, o iba pang okasyon, bumili ka kung saan may sale kahit ang okasyon ay matagal pa. O di kaya kung ikaw ay may oras at may kakayanang gumawa ng personalize na regalo, mas maganda dahil pinaghirapan mo ang isang bagay. Sa ganitong paraan makakatipid ka na at maipapakita mo pa ang artistic side mo.

42-18155403

Kung masusunod mo ang mga nakasaad sa taas, may posibilidad na ikaw ay makapagtabi ng pera na maaring magamit sa panahon ng kagipitan at isang paraan din para ikaw ay yumaman. Pagtitipid lang ang kailangan!


Tatay: Haligi ng Tahanan

Ngayong araw ay ang tinatawag nating Araw ng mga Ama (Father’s Day). Binabati ko ang lahat ng ama saan man sulok ng mundo.  Mabuhay kayo sa pagiging haligi ng tahanan!

Sa tatay ko na kahit wala na siya sa mundong ito, hindi ko pa rin makalimutan ang panahong nakapiling ko sya. Ang tatay na gumabay sa akin at itinuring akong isang tunay na anak. Ang tatay na minsan ay nanay. Ang tatay na nagsakripisyo para mabuhay ang pamilya.

Bente anyos ako ng sumakabilang buhay ang kinilalang kong ama. Simula’t sapol, siya ang gumabay sa akin. Naalala ko noong apat na taon palang ako. Si tatay at nanay ay parehong guro sa pampublikong paaralan. Naka-assigned sila sa isang remote area. Kung saan napakahirap puntahan, ilang oras na paglalakad bago marating ang lugar na pinagtuturuan nila. Si tatay na kahit anong hirap at layo ng lugar, mas pinili pa ang isama ako at kargahin sa tuwing sila ay papasok sa trabaho. Ayaw na ayaw niya kasing maiwan ako sa bahay o di kaya ibilin sa kapitbahay.

Si tatay na simula’t sapol, ang siyang bumibili sa akin ng damit kaysa kay nanay. Alam ni tatay ang gusto kong style sa damit kaya siya ang tagabili ng damit ko. Si tatay ang isang tipo ng ama na istrikto pero cool. Huwag mo lang suwayin ang gusto niya… magkakaintindihan kayo. Sabi nga ng nanay ko, spoiled daw ako sa tatay ko. Oo spoiled ako pero sa tamang lugar at tamang oras. Hindi ako ‘yong tipong spoiled na lahat ng gusto nasusunod. Na kapag hindi naibigay ang gusto nagwawala. Yon ang ayaw na ayaw ni tatay. Ibinibigay niya ang gusto ko kung kaya niya, kung hindi huwag pilitin dahil mapapalo ka lang. Ako yong spoiled na nahagupit niya minsan ng sinturon dahil sa kapilyahan ko.

Si tatay ang taga disiplina ko. May tuntunin akong sinusunod pagdating sa pag-aaral at sa mga kaibigan. Ayaw ni tatay na umaalis ako ng bahay na hindi niya alam. Ayaw ni tatay na sa labas ako ng bahay tumatambay. Mas gusto  niyang mga kaibigan ko ang tumambay sa bahay kasi nakikita niya ako. Ganyan ako kamahal ng ama ko. Naging mabuti siyang ama at asawa. Si tatay na ang kaligayahan ay makita akong masaya at tagumpay sa buhay. Dahil bago siya lumisan… kahit comatose na siya… ako pa rin ang inaalala niya. Bumigay lang si tatay ng sabihin ng nanay ko na “huwag kang mag-alala dahil hindi ko pababayaan anak natin.”

Noong time bago namatay tatay ko, alam niyang nag-titraining ako sa badminton para sa isang liga. Nang nararamdaman niyang hindi na siya magtatagal sa mundo, sinabi niya sa akin na ituloy ko lang laro ko anuman ang mangyari.

Kaya sa iyo aking TATAY, maraming salamat sa iyo! Naalala at namimiss kita lagi. Alam ko kahit nasa kabilang buhay ka na, hindi mo ako pinababayaan.


CON-ASSwang?!?

no-to-con-assAno nga ba ang talagang usapin tungkol sa CON-ASS na ‘to? Ano ba ang patutunguhan sa isyong ‘to? Ito Usapin na dapat malinaw sa lahat.  Pero sa simula pa lang, malinaw na maging sa mga nagsulong ng resolusyon 1109 na mali ang kanilang ginagawa, kaugnay ng nakasaad sa batas at pambansang interes, paano maaasahang magbabago ang isip ng mayorya? Ang kailangang gawin nila ay ang ilantad ang buong kabulukan ng mga taong ito na masugid na tagapagtaguyod ng CON-ASS.

Kung tutuusin naman talaga, kailangan talagang baguhin ang constitution. Pero hindi kailangang-kailangan gaya ng pagmamadali ng administrasyon ngayon. Ito ay isang bagay na napakahalaga para sa republika na hindi dapat minamadali. Isang bagay na dapat pagtuunan ng pansin at pag-usapan. Kailangan baguhin pero napakalinaw na dapat tutulan ang lahat ng pakana ng administrasyon na baguhin ang konstitusyon hangga’t iba gusto ng administrasyon kung bakit dapat baguhin sa sagot ng interes ng sambayanang Pilipino. Walang mali sa pagpapalit, pagsasaayos at pagbabago ng ilang mga nakasulat sa constitution kung  ito ay para sa ikabubuti ng bayan. Pero kung para lang sa ikabubuti ng iilang nakaupo sa posisyon, maling mali!

Pero sa kasalukuyang isinusulong ng administrasyon, malayo sa mga ito ang kanilang layunin. Nais nilang baguhin ang konstitusyon hindi para mapahusay ito, kundi lalo pang mapalala ito. Kundi sa pangsariling interes lamang. Anumang pagtatangka ng kasalukyang administrasyon na pagbago sa konstitusyon, kung nakabatay lamang sa kani-kanilang pansarili at makitid na interes, tiyak na walang mapapala ang taumbayan. Kaya ang nagiging kapalit ng kanilang ganid na pakana ay ang walang tigil na mga protesta ng karamihan kontra sa isinusulong ng administrasyon.

Ang CON-ASS ay bahagi lamang sa buong agenda ng rehimeng GMA sa pagbabago ng ating Constitution o CHA-CHA. Sa buong proseso ay hindi man pinaliliwanag sa sambayanang Pilipino ang dahilan bakit kinakailangang baguhin ang Constitution sa panahong ang buong bansa ay humaharap sa napakatinding pampinansyang krisis.

At ang panghuling tanong, kung sino, ay madali nang masagot sa batayan ng sagot kung bakit dapat baguhin. Dahil gusto ng administrasyon na magpatuloy sa kapangyarihan, mas humaba ang termino para mas tumagal ang pandarambong nila, kaya nila gustong baguhin ang konstitusyon. Kung magiging dahilan  ng pagbabago ang pambansang interes, ang pambansang demokrasya at kaunlaran, malinaw na ang mamamayan ang dapat bumago sa konstitusyong ito. Pero bago pa man mangyari iyon, kailangan munang maalis ang pinakamalaking balakid sa mamamayang Pilipino, ang rehimeng Arroyo.

Hindi natin kailangan ang CHARTER CHANGE… ang kailangan natin ay  SOCIAL CHANGE.

Ikaw kaibigan, tutol ka ba sa CON-ASS o gusto mong maging parte ng CON-ASwang? Nasa sa iyo ‘yan!


Mga dapat malaman tungkol sa A(H1N1) virus

Ang Swine Flu ay itinuturing na highly contagious acute respiratory disease ay kadalasang natatagpuan sa mga baboy. Kumakalat ito sa pamamagitan ng mali­liit na particles sa pamamagitan ng hangin o direct contact. Ayon sa WHO, kaya nitong i-infect ang malaking populasyon ng mga baboy kung saan namamatay ang isa hanggang apat na porsyento ng mga apektado. Hindi rin nakikitaan ng sintomas ang lahat ng mga hayop na infected ng swine flu.

Pagkakaroon ng lagnat na umaabot sa mahigit 38 degrees, sipon, ubo, sakit ng ulo, pananakit ng kasu-kasuan, pagsusuka at diarrhea.

Clinical examination ng secretions mula sa ilong, bibig at swab sample sa lalamunan sa unang 24 hanggang 72 oras matapos makita ang mga sintomas. Pag-aaralan din ang blood samples upang malaman kung mayroong influenza virus.

Sa mga kumprimadong kaso, binibigyan ang pas­yente ng flu drugs na Seltamivir o Zanamivir sa ilalim ng matinding medical supervision.

Nagbabala ang mga health officials laban sa side effects at hindi tamang paggamit nito, maaari lamang umanong gamitin ang nasabing antiviral drugs kapag kumpirmadong infected ng swine flu virus ang pasyente. Sa ngayon ay mayroon umano nitong milyong doses bagamat nagbabala ang local media na maaaring magkaubusan.

Magsuot ng mask kung makikipag-usap sa mga taong may sakit. Iwasan na makipagbeso-beso, maki­pagkamay, makipaghalikan at makipag-yakapan. Hindi rin dapat magsalo sa mga personal na gamit gayundin sa pagkain, baso at iba pang utensils. Makakabuti kung may bentilasyon ang tahanan at malinis ang mga gamit at maayos ang pagluluto ng pagkain, lalo na ng baboy.

Kung nais nating lumakas ang ating depensa sa mga matitinding sakit na kumakalat, kailangang maging malusog at handa ang ating immune system para labanan ang mga pathogens na makakalusot sa mga pang-ibabaw nating proteksyon:

1. Kumain ng masustansyang mga pagkain lalo na yung may Vitamin C.  Mas maigi kung sasabayan ito ng Vitamin C supplement.  ayon sa mga pag-aaral, hindi lamang pinalalakas ng Vitamin C ang immune system, ito raw ay antiviral rin.

Masustansyang_pagkain

2. Uminom ng green tea. May taglay raw kasing polyphenols ang green tea.  Ito ay may antiviral effect raw  na mabisang panlaban sa influenza.

green_tea

3. Gumamit ng turmeric (luyang dilaw)  bilang pampalasa sa pagkain.  Ang turmeric ay may curcumin na anti viral at anti oxidant din.

turmeric

4. Siguraduhing may taglay na Vitamin E  ang inyong pagkain o di kaya’y uminom ng Vitamin E supplement.  May pag-aaral na tumutukoy sa Vitamin E para pahinain ang viral activity sa sandali ng impeksyon at maibsan ang epekto ng flu sa isang may sakit. Ang mga pagkaing tulad ng whole grains,  berdeng dahon ng gulay, sardinas, egg yolk at mga buto ay mayaman sa Vitamin E.

vitamine-e

5.  Magdagdag ng whey protein sa inyong diet.  Ito ay upang masigurong mas marami tayong mga protinang pangdepensa sa impeksyon at mas tumaas ang glutathione levels sa ating dugo.  Ang glutathione ay tumutulong na palakasin ang ating immune system.

whey_Full

Wala pang natutuklasang bakuna laban sa Influenza A H1N1, ngunit sa tulong ng ating immune sytem at mga pamamaraang nabanggit, maaari naman magkaroon ng natural at likas na panlaban ang ating katawan.


Kumusta sa inyong lahat!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!